TUGUEGARAO CITY- Nakukulangan umano ang Migrante International sa total deployment ban ng Department of Labor and Employment sa Kuwait.

Sinabi ni Chris Fiel ng Migrante Isabela na dapat na isama rin sa ang mga balik-manggagawa na mga OFWs at hindi lamang ang mga first time na pupunta sa Kuwait sa total deployment ban.

Inihalimbawa pa ni Fiel ang kaso ni Constancia Dayag na bumalik sa Kuwait at dito na siya pinatay ng kanyang mga amo.

Samantala, umaapela din si Fiel sa pamahalaan na tulungan para makauwi na sa bansa ang ofw na nasa POLO office sa Kuwait na bed ridden.

Ayon sa kanya, mahigit sa 40 din ang nasa POLO office bukod sa nasabing bed ridden.

-- ADVERTISEMENT --

Bukod sa nasabing OFW, mahigit sa 200 na OFW ang nasa POLO shelter na nahaharap sa iba’t ibang kaso na isinampa umano ng kanilang mga amo tulad ng theft at travel ban.

Ayon sa kanya, ilang taon na ang mga nasabing OFW sa POLO shelter at naghihintay ng tulong mula sa pamahalaan para sila ay makabalik na sa bansa.