Sinampal ni dating heavyweight champion Mike Tyson ang kanyang kalaban na si Jake Paul sa kanilang face off bago ang kanilang kontrobersiyal na laban.

Sinampal ni Tyson, 58 si Paul sa kanyang pisngi ng kanyang kanang kamay kasunod ng kanilang formal weigh-in para sa kanilang laban sa Arlington, Texas.

Nakialam ang mga security para paghiwalayin ang dalawa kasunod ng nasabing insidente bago inilayo si Tyson.

Tumimbang si Tyson ng 228.4 pounds, at hindi na siya nagsalita bago umalis ang kanyang entourage.

Iginiit naman ni Paul 27, na isang Youtuber at naging boksingero na hindi siya nasaktan sa pagsampal sa kanya ni Tyson.

-- ADVERTISEMENT --

Tumimbang naman siya sa 227.2 pounds.

Kasabay nito, nangako si Paul na ina-knockout niya si Tyson at sabay isinigaw na “He must die.”

Ayon sa report, babayaran ng $20 million si Tyson sa nasabing laban na bubuuin ng eight two-minute rounds.