Wala umanong aasahang ceasefire o tigil putukan ang New People’s Army (NPA) sa Cagayan Valley, Cordillera Region ngayong kapaskuhan.

Ito ay ayon kay Major General Pablo Lorenzo, AFP Commander ng 5th Infantry Division dahil ginagamit lamang ito ng communist movement upang magpalakas ng puwersa.

Iginiit ni Lorenzo na hindi na dapat pang maulit ang aniya’y ginawang pang-aabuso ng makakaliwang grupo sa mga nakaraang kasunduan sa ceasefire.

Samantala, nakatakdang ipagdiwang ng CPP ang kanilang founding anniversary sa darating na ika-26 ng Disyembre.