TUGUEGARAO CITY-Mariing pinabulaanan ng 5th Infantry Division,Philippine Army na nasangkot ang kanilang hanay sa umano’y dayaan sa katatapos na halalan.
Binigyan diin ni Major Noriel Tayaban, tagapagsalita ng 5th ID na tanging ang kanilang naging tungkulin lamang noong eleksion ay ang magbigay ng seguridad at bumoto.
Sinabi pa niya na malayo ang alegasyon ng Kabataan Partylist na sangkot sila sa dayaan dahil sa hindi naman sila maaaring lumapit sa mga precinct centers noong panahon ng halalan.
Samantala,sinabi ni Tayaban na mismong ang CPP-NPA-NDF sa pamamagitan ng kanilang founding chairman na Joma Sison ang nagsabi sa mga left-leaning organization at hindi ang militar ang nagsasagawa ng red tagging sa mga ito.
Sinabi pa niya na maging ang mga sumusukong mga miembro ng NPA ang nagsasabi sa mga organisasyon na sumusuporta o may kaugnayan sa rebeldeng grupo.