
Ibinahagi ng ilang event suppliers ang ilang detalye ng simple at pribadong kasal nina Bea Alonzo at negosyanteng Vincent Co, na ginanap sa Makati.
Ayon sa bakery na Wadough’s, minimalist buttercream wedding cake ang inihanda para sa mag-asawa, na may red velvet, vanilla, at chocolate cake na may tablea ganache filling.
Samantala, sa Txoko Asador ginanap ang kanilang intimate reception na dinaluhan lamang ng 12 bisita.
Ayon naman sa H. Lopez Event Styling, pinili ng mag-asawa ang isang “simple, clean, and intentional” na tema, na anila’y patunay na hindi kailangang maging engrande ang isang kasal upang maging maganda at makahulugan.





