Madagdagan ng P30 ang minimum wage dito sa Region 2.

Sinabi ni Jesus Elpidio Atal, director ng Department of Labor and Employment o DOLE Region 2 na ang nasabing halaga ang inapruhan ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board at ng National Wages Productivity Commission.

Gayonman, sinabi ni Atal na napagkasunduan ng board batay na rin sa kahilingan ng mga employer na ibibigay ang dagdag sahod sa dalawang tranche.

P15 ang unang tranch na magiging eprktibo sa October 16 at ang nalalabi ng P15 ay sa buwan ng Abril ng 2024.

Dahil dito, ang magiging minimum wage sa agriculture sector sa unang anim na buwan ay P415 at 430 sa susunod taon habang sa non-agriculture sector ay P435 at P450 kung maibibigay na ang kabuuan ng dagdag sahod.

-- ADVERTISEMENT --

Bukod sa mga manggagawa, tataas din ng P500 ang sahod ng mga kasambahay mula sa buwanang sahod na P5, 000.