Patay ang isang misis matapos pagsasaksakin ng mister nitong Sabado de Gloria sa Angono, Rizal.

Ang suspek at kanilang 15-anyos na anak, parehong kritikal.

Batay sa kuha ng CCTV, mapanonood ang footage ng pagsalakay ng Antipolo Police sa tahanan ng pamilya, na tahimik nang kanilang madatnan.

Pagpasok sa silid, bumungad sa kanila ang isang babaeng wala nang buhay, habang natagpuang duguan sa banyo ang padre de pamilya.

Nabawi sa lugar ang isang kitchen knife na pinaniniwalaang ginamit sa krimen.

-- ADVERTISEMENT --

Kritikal naman ang lagay ng 15-anyos nilang anak na sinaksak din ng ama, habang ligtas na nakalabas ng bahay nang walang sugat ang 12-anyos niyang kapatid.

Hindi pa natutukoy ang motibo sa krimen.