Nabigo ang kandidata ng Pilipinas na makuha ang Miss Intercontinental title.

Nagtapos na fourth runner-up si Christina Vanhefflin sa seremony na isinagawa sa costal destination ng Sahl Hasheesh sa Egypt, January 29 (30 sa bansa).

Nakapasok si Vanhefflin na mula sa Leyte sa final round ng kompetisyon dahil sa kanyang “Power of Beauty” award.

Ito rin ang unang pagkakataon sa kasaysayan ng pageant na ang isang bansa ang makakuha ng special title sa magkasunod na taon.

Si Mutya ng Pilipinas Alyssa Redondo ang unang Pilipina na nakakuha ng nasabing pagkilala, na nagtapos na second runner-up sa 2024 pageant, kung saan ang nanalo ay si Maria Cepero ng Puerto Rico.

-- ADVERTISEMENT --

Nangibabaw si Miss Intercontinental Europe at Miss Photogenic Varvara Yakovenko of Russia mula sa mahigit 50 delegado para makuha ang titulo.

Nagkamali pa si Yakovenko sa interview sa Top 23 kung saan nagmali siyang banggitin ang “Miss Universe” nang tanungin siya kung bakita dapat na siya ang koronahang Miss Intercontinental.

First runner-up si Miss Intercontinental North America Lorena Suarez Lara mula sa Cuba, habang si Miss Intercontinental Asia at Oceania Vanessa Wenk mula sa Thailand ay second runner-up.

Third runner-up naman si Faidah Kassim ng Tanzania, na nakapasok sa finals dahil sa kanyang People’s Choice award.