Opisyal nang nakilala ang mga natitirang reyna ng Miss Universe Philippines matapos ang Coronation Ball na ginanap sa Parañaque City

Sa naturang pagtitipon, kinoronahan ang mga kandidatang magrerepresenta ng Pilipinas sa iba’t ibang international pageants sa ilalim ng “The Miss Philippines” brand.

Kabilang sa mga kinilala ay si Allyson Hetland bilang Miss Supranational Philippines, habang si Bella Ysmael naman ay kinoronahang Miss Cosmo Philippines.

Si Jenrose Javier ang magiging Miss Eco International Philippines, at si Apriel Smith ay Miss Charm Philippines.

Kasama rin sa mga bagong titulo si Nicole Borromeo bilang Miss Worldwide Philippines at si Marianne Arellano bilang Miss Tourism Worldwide Philippines.

-- ADVERTISEMENT --

May mga special titles din na ipinagkaloob sa ilang semifinalists tulad nina Catherine Wardle bilang Miss Teen Universe Philippines at Trexy Paris Roxas bilang Miss Eco Teen International.

Ayon sa organisasyon, ito ang unang pagkakataon na ginanap ang isang Coronation Ball upang opisyal na ipasa ang mga korona, kapalit ng dating tradisyong mabilisang awarding pagkatapos ng main pageant night.

Matatandaang ang korona ng Miss Universe Philippines 2026 ay una nang naigawad kay Bea Millan-Windorski sa isang hiwalay na coronation noong Mayo 2 sa Pasay City.