
Iniulat ng People Magazine na kinasuhan umano si Miss Universe Organization (MUO) President Raul Rocha ng drug trafficking, firearms trafficking, at fuel smuggling sa pagitan ng Guatemala at Mexico.
Ayon sa ulat, itinuturing ng Mexico’s Attorney General’s Office (FGR) si Rocha bilang lider ng isang sindikatong nag-smuggle ng fuel sa pamamagitan ng Usumacinta River patungong Querétaro.
Kaya nakapagsagawa ng raid ang FGR at nakakuha ng mga record ng pera na umano’y kontribusyon niya sa operasyon, kabilang ang isang transaksiyon na umabot sa 2.1 million Mexican pesos.
Bukod pa rito, may nag-request na ring isang anti-organized crime agent ng warrant of arrest laban kay Rocha noong Agosto 6 dahil sa kanyang pagkakadawit sa bentahan ng narcotics, armas, at hydrocarbons.
May alegasyon ding nakipag-ugnayan si Rocha sa FGR noong Oktubre para sa isang plea bargain kapalit ng immunity.
Gayunpaman, wala pang osiyal na pahayag si MU President tungkol sa mga bagong alegasyon.
Ang mga kontrobersiyang ito ay umusbong kasunod ng isyu sa katatapos lamang na 74th Miss Universe pageant.






