Ginagamot sa ospital ang isang misis matapos pagbabarilin at pagtatagain ng kanyang mister dahil umano sa birong natikman nito ang bolitas ng kanilang kumpare sa Toledo, Cebu City.

Kinilala ang biktima sa pangalan Marcy, 65, habang nadakip naman ang suspek na kinilala sa pangalan Rody, 70-anyos, magsasaka at kapwa residente ng Sitio Lower Bagdok, Barangay Sagay, ng naturang bayan.

Ayon kay Police Master Sgt. Alfredo de Gracia, imbestigador ng Toledo Police Station, bandang 7:00 PM naganap ang insidente sa naturang lugar.

Sinabi ni De Gracia, lumabas sa imbestigasyon, bago ang insidente nag-iinuman ang suspek at kanyang kumpare na nauwi sa biruan na usapan.

Biniro umano ang suspek ng kanyang kumpare na may bolitas ang ari nito at natikman pa ng kanyang misis at dinibdib niya ito.

-- ADVERTISEMENT --

Pag-uwi ng bahay ng suspek tinangka niyang makipagtalik sa misis subalit tinaggihan siya nito.

Lalong nagduda ang suspek kaya kinompronta niya ang misis at tinanong kung totoong natikman niya ang bolitas ng kanilang kumpare, na inamin ng babae.

Dahil dito, kinuha ng suspek ang kanyang .38 revolver at pinagbabaril ang kanyang misis na tinamaan sa tiyan.

Hindi pa ito nakuntento at kumuha pa ng itak saka pinagtataga niya ito sa iba’t ibang parte ng katawan.

Agad naman dinala sa ospital ang biktima habang nadakip naman ang suspek ng mga rumespondeng pulis at narekober ang baril na ginamit at patalim.