Wala ng buhay nang matagpuan ang nakabigting katawan ng isang 44-anyos na lalaki sa Brgy. Mungo, Tuao, Cagayan na umanoy nabaon sa utang dahil sa sugal.

Ayon kay PCapt Jennifer Calauad, deputy chief of police ng PNP-Tuao, natagpuan ng kanyang mga kaanak ang biktima na nakabitin sa kanilang kamalig.

Bago ito, hatinggabi nitong Huwebes nang mapansin ng kanyang anak na pumunta ng banyo ang kanyang ama hanggang sa hindi na ito nakita, kinabukasan.

Sinimulang hinanap ang biktima kinaumagahan nang hindi ito pumasok sa kanyang trabaho sa isang resort hanggang sa nakita ito sa di kalayuan sa kanyang bahay na nakabitin na gamit ang isang lubid.

Batay sa kwento ng kanyang anak, napansin nilang dumadaan sa depresyon ang kanilang ama dahil sa mga hindi mabayarang utang kaugnay sa kanyang pagsusugal.

-- ADVERTISEMENT --

Nabatid na ito na ang pangatlong insidente ng pagpapakamatay na naitala sa bayan ng Tuao ngayong buwan ng Enero.