Nasubukan ang kakayahan ng Government Emergency Communications System (GECS)ng Department of Information and Communications Technology (DICT) Region 2 sa magkakasunod na bagyo na naranasan dito sa lambak ng Cagayan.
Sinabi ni Regional Director Engr.Pinky Himenez ng DICT R02 na agad nagamit ang kanilang mobile operations vehicle for emergency (MOVE-Set)sa mga naranasang kalamidad.
Nagpasalamat si Himenez sa kanilang punong tanggapan dahil kabilang ang Region 2 sa nakatanggap ng MOVE-SET at Move Dispatch Equipment mula sa kanilang punong tanggapan.
Dahil dito ay mas mabilis ang pagbato ng impormasyon hinggil sa epekto ng mga bagyo kahit na nawalan ng suplay ng kuryente ang maraming lugar sa Cagayan noong manalasa ang Bagyong Marce, kung saan matinding naapektuhan ang bayan ng Sta.Ana na kung saan naglandfall ang nasabing bagyo ganundin sa iba pang bayan sa downstream area.
Nabatid na naipreposisyon ang naturang kagamitan sa bayan ng Sta.Ana at Sta.Praxedes para makapagbato parin ng mga impormasyon ang mga responder sa mga kinauukulan sa gitna ng pinsala na dulot ng bagyo.
Dahil sa naturang pangyayari kung saan napakahalaga ang linya ng komunikasyon sa panahon ng kalamidad, inihayag ni Himenez na hihingi ang DICT Region 2 ng karagdagang unit ng Starlink at Gensec na target na ipreposisyon sa iba’t ibang bahagi ng rehiyon dos para matiyak ang tuloy tuloy na daloy ng komunikasyon kung mayroong malalakas na bagyo.
Ayon pay kay Himenez na naunang nakapag install ng internet satellite ang DICT sa Batanes bago manalasa ang mapaminsalang bagyong Julian kaya’t mabilis lamang na nakapagtransmit ng impormasyon ang naturang isla matapos ang hagupit ng bagyo.