
Itinalaga si Mojtaba Khamenei na sunod na supreme leader ng Iran, kasunod ng pagkamatay ng kanyang ama na si Ayatollah Khamenei.
Ang anunsiyo ng Iran ay kasunod ng paglulunsad ng panibagong mga pag-atake sa oil storage sites sa Tehran.
Una rito, sinabi ni US President Donald Trump na hindi “acceptable” ang pagkakapili kay Mojtaba.
Si Mojtaba ay ang pangalawang anak ni dating Supreme Leader Ali Khamenei.
Ipinanganak noong 1969, sumailalim si Mojtaba sa religious training tulad ng iba pa niyang mga kapatid bagamat hindi siya kailanman umabot sa ranggo ng Mujtahid, ang antas ng Islamic jurisprudence na ikinokonsidera ng mga loyalista ng rehimen na mahalaga para sa papel ng supreme leader.
Ang kanyang asawa ay si Zahra, ang anak ni dating speaker of parliament at confidant ni Khamenei sa Gholam Hadded Adel.
Sa loob ng maraming taon, pinanatili ni Mojtaba ang low profile, subalit sa likod nito siya ay isang central figure sa mabilis na pag-angat ng sistema na ipanatupad ng kanyang ama.
Pinagtibay niya ang malapit na ugnayan sa Islamic Revolutionary Guard Corps (IRGC) at economic networks na lalong nagpausbong sa sistema.
Para sa Iran observers, malakas ang impluwensiya niya, sa kabila na wala siyang hawak na senior formal position.
Sa nakalipas na mga taon, habang nagtatrabaho siya sa tanggapan ng kanyang ama, pinuposisyon na siya na successor, at noong 2021, maraming mga larawan sa social media mula sa kanyang mga supoorters ang ipinakalat sa mga lansangan ng Tehran na nagtalaga sa kanya bilang susunod na leader.
Marami ang naniniwala na nagkaroon siya ng malaking papel sa pagtutulak ng eleksyon ng hardline Mahmoud Ahmadinejad noong 2005 presidential elections.
Siya ang nagpakilos sa networks ng IRGC para mapalakas ang kandidatura ng noon ay mayor ng Tehran na si Ahmadinejad laban sa mas kilala na si Akbar Hashemi Rafsanjani, ang kalaban ni Khamenei.
Noong 2009, nang magprotesta ang milyong-milyong mamamayan ng Iran dahil sa re-election ni Ahmadinejad sa pinaniwalaan nila na nadayang halalan, naging malinaw na si Mojtaba ay hindi lamang anak ng isang leader sa halip ay isang political operator.
Naging madugo ang pagbuwag sa mga protesta, na nagmarka sa pagsisinumla ng pagtatapos ng anomang tunay na domestic reformist movement.
Ipinakita sa mga kaganapan sa nasabing taon ang kanyang pag-angat, kung saan marami sa mga protesters ang isinagaw ang “Mojtaba bemiri Rahbari ro Nabini,” o sana mamatay na lang siya para hindi siya ang susunod na leader ng Iran.










