Inihayag ng Philippine Coast Guard na may tumapon na molasses o pulut-tubo sa katubigan ng bayan ng Sagay sa Negros Occidental.
Ayon sa PCG, napansin ng port personnel sa Sagay Feeder Port ang pag-iba ng kulay sa katubigan sa palibot ng MT Mary Queen of Charity.
Hinala ng port personnel na ang hindi pa mabatid na volume ng pulut-tubo ang naitapon sa tubig.
Nagsasagawa shore-to-ship operations ang cargo boat kasama ang paglalagay ng pulut-tubo mula sa lorry trucks.
Ayon sa PCG, nasa 300 metric tons ng pulut-tubo ang nailagay na sa cargo boat nang mapansin ang pagkakaroon ng discoloration sa tubig.
Nagsagawa na ng water sampling ang Marine Environmental Protection Unit ng PCG.
Gumawa na rin sila ng hakbang upang mapigilan ang patuloy na pagtagas ng pinaniniwalaang pulut-tubo.