Tiniyak ng National Meat Inspection Service (NMIS) Region 2 ang mahigpit na monitoring sa presyo at

kalidad ng mga karneng itinitinda sa merkado ngayong holidays season.

Ayon kay Lilia Juliana Fermin, direktor ng ahensya, sapat ngayon ang supply ng karne sa rehiyon kaya’t

walang dapat ipangamba sa supply nito sa merkado.

Sa monitoring ng ahensya ay wala ring paggalaw sa presyo ng mga karne sa rehiyon mula sa nakalipas na

-- ADVERTISEMENT --

tatlong buwan.

Ang presyo ng baboy ay umaabot sa P280-P350 per kilo, sa beef ay P270-380 at sa manok naman ay P120-

160.

Sinabi naman ni Malou de Leon, meat standard development and consumer protection focal person,

pinaiigting ng ahensya ang kanilang
weekly monitoring sa mga slaughter house at pamilihan sa rehiyon

upang mabantayan ang kalidad at kondisyon ng mga panindang karne para sa kapakanan ng mga consumers.

Bahagi nito ay nagsasagawa rin ng seminar ang enforcement team ng ahensya sa mga meat vendors upang

maituro sa kanila ang ‘proper handling’ sa kanilang produkto na hindi naisasakripisyo ang safety at

quality ng mga karne.

Punto nito, dapat matutunan ng lahat ng mga meat vendors ang tamang pangangasiwa sa kanilang produkto
tulad ng mga fresh at chilled meat maging ang mga frozen products.

Payo ng NMIS sa publiko na dapat maging mapanuri sa pagbili ng karne at tiyakin na ito ay hindi mabaho

at walang malansang amoy, maganda ang kulay at hindi madulas kapag ito ay hinihilatsa.