Tuguegarao City- Lalong hinigpitan ngayon ang mga quarantine checkpoints sa rehiyon upang imonitor ang galaw ng mga pumapasok at lumalabas na sasakyan na nagpupuslit ng mga smuggled pork and meat products.

Ito ay hakbang ng Department of Agriculture (DA) Region 2 upang maiwasan ang pagkalat ng African Swine Fever (ASF) sa mga baboy sa rehiyon.

Sa panayam kay Roberto Busania, Regional Technical Director for Operations and Extension, kabilang sa mahigpit na hinahanap sa mga delivery ng mga karne ay ang kaukulang mga permit at dokumento.

Hinikayat pa nito ang publiko na iwasan ang pagkakatay ng mga baboy sa mga bahay-bahay upang makaiwas sa virus.

Mainam aniya na dalhin ang mga ito sa slaughter house upang makatiyak na ligtas ang mga kakataying baboy mula sa sakit.

-- ADVERTISEMENT --

Sinabi niya na sa ngayon ay nasa P5B na ang mga swine industry sa rehiyon.

Umapela naman ng kooperasyon ang DA Region 2 sa publiko na huwag itapon sa ilog ang mga namamatay na alagang hayop upang maiwasan ang pagkalat ng sakit.