TUGUEGARAO CITY-Inihayag ng Department of Trade and Industry na hindi nila saklaw ang monitoring sa presyo ng helmet.
Sinabi ni Linda Tan,chief ng consumer protection division ng DTI Region 2 na hindi kasi kasali sa basic at prime commodities ang helmet.
Ayon sa kanya, hindi kasi nila alam kung anong ipapataw na penalty sa mga posibleng overpriced na mga helmet.
Gayonman,sinabi Tan na ang kanilang sinasaklawan sa katulad na produkto ay ang product standard kung saan ay tinitignan kung ito ay may PS mark o ICC mark.
Ayon sa kanya, ang mga helmet ay dapat na isinasailalim sa quality and safety test ng Bureau of Philippine Standard upang matiyak na de kalidad ang kanilang bibilhing helmet.
Dahil dito, pinayuhan ng opisyal ang mga bibili ng helmet na mag-canvass muna para makabili ng mura pero de kalidad at may quality markings na mga helmet.
Tugon ito ni Tan sa panawagan ni Tuguegarao City Mayor Jefferson Soriano sa DTI na magsagawa ng monitoring sa presyo ng mga helmet matapos na tumaas umano ang presyo ng mga ito simula nang mahigpit na ipatupad ang “no helmet,no travel policy” sa lungsod noong July 1,2019.