Inilagay na umano sa alerto ang surveillance system ng bansa kasunod ng deklarasyon ng World Health Organization na global public health emergency ang mpox, dating monkeypox sa ikalawang pagkakataon sa loob ng dalawang taon.

Ito ay matapos ang oubreak ng nasabing sakit sa Africa at posible umanong kumalat ito sa iba pang kontinente.

Sinabi ni Health Secretary spokesperson Assistant Secretary Albert Domingo na wala namang inirekomenda na border control measures subalit magsasagawa ang Bureau of Quarantine ng interviews, partikular sa mga pasahero na mula sa mga bansa sa Africa.

Ayon kay Domingo, wala namang naitalang bagong kaso ng mpox sa bansa buhat noong 2003.

Naitala ng DOH ang siyam na kumpirmadong kaso ng mpox, apat noong 2022 at lima noong 2023, wala namang fatal at gumaling ang mga pasyente.

-- ADVERTISEMENT --

Ang deklarasyon ay batay sa payo ng emergency committee ng independent experts na nagsabi sa pinuno ng WHO na ang pagdami ng kaso ng mpox ay may potensiyal na kumalat sa ibang bansa sa Africa at posibleng sa labas ng kontinente.