Patuloy na nakamanman ang binansagang “The Monster” ship ng China o CCG 5901 sa barko ng Pilipinas na BRP Teresa Magbanua na nagbabantay sa Escoda shoal sa West Philippine Sea base sa monitoring ng US maritime expert na si Ray Powell.

Nananatili ang Monster ship sa Sabina shoal sa layong 600 meters mula sa BRP Teresa Magbanua

Kung saan nitong umaga ng Huwebes, iniulat ni Powell na namataang idineploy din ang CCG at Chinese maritime militia vessels malapit sa bukana ng Esocda shoal at 15 nautical miles east na naka-2 line blockade formation.

May isang Chinese militia ship ay kumikilos pa-timog silangang direksiyon ng Sabina o Escoda shoal.

Matatandaan na idineploy ang BRP Teresa Magbanua sa Escoda shoal simula pa noong Abril at nanatili na ito sa lugar sa gitna ng mga napaulat na reclamation activities ng China sa lugar.

-- ADVERTISEMENT --