Kiunumpirma ng Philippine Coast Guard (PCG) na bumalik ang China Coast Guard (CCG) massive vessel 5901 o mas kilala bilang “monster ship” sa katubigan malapit sa Bajo de Masinloc.
Iniulat ni PCG for the West Phlippine Sea spokesperson Commodore Jay Tarriela na dalawang CCG vessels ang naispatan sa Bajo de Masinloc habang tatlong iba pa ang nanatili sa baybayin ng Zambales.
Sa kabila ng mga hamon, sinabi ni Tarriela na ang PCG ay aktibong kinikompronta ang Chinese vessels.
Sinabi ni Tarriela na inaprubahan ni Pangulong Bongbong Marcos Jr.ang pagkuha ng lima pang 97-meter vessels mula Japan at 40 karagdagang vessels mula France upang palakasin ang PCG.
-- ADVERTISEMENT --