Hindi na gagamitin ang mother tongue bilang medium sa pagtuturo mula Kindergarten hanggang Grade 3.

Ito ay matapos na maging ganap na batas ang Republic Act (RA) No. 12027 or the Act of Discontinuing the Use of the Mother Tongue as Medium of Instruction from Kindergarten to Grade 3.

Sa ilalim ng bagong batas, ang wikang panturo ay ibabalik sa Pilipino at English habang ang mother tongue naman ay magsisilbing auxiliary media of instruction.

Nakasaad sa Section 2 ng batas, maaaring gamitin ang mother tongue-based multilingual education sa monolingual classes kalakip ang ilang mga requirement, tulad halimbawa ang monolingual class ay dapat na binubuo ng mga mag-aaral na may parehong mother tongue at naka-enrol sa parehong grade level sa naturang school year.

Ang Department of Education sa pakikipagkonsulta sa Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) ay dapat na bumalangkas ng language mapping policy sa loob ng isang taon mula ng maging epektibo ang batas.

-- ADVERTISEMENT --