Nanawagan si Vice President Sara Duterte sa mga local government units (LGUs) na ipagbawal nang permanente ang mga motorcade at vehicle caravan dahil sa tumataas na presyo ng gasolina at lumalalang polusyon sa hangin at ingay.

Ayon kay Duterte, ang mga ganitong aktibidad ay nagdudulot ng mas mataas na gastos sa gasolina, mas matinding trapiko, at karagdagang abala sa publiko.

Hinikayat niya ang publiko na maghanap ng mas ligtas at mas sustainable na paraan para ipahayag ang kanilang opinyon o suporta, nang hindi nakakaapekto sa kapwa at sa kalikasan.

Nauna rito, sinabi ng Department of Energy – Oil Industry Management Bureau (DOE-OIMB) na posibleng tumaas ng hanggang P10 kada litro ang presyo ng gasolina dahil sa sigalot sa pagitan ng US at Iran.

Samantala, tiniyak ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na sapat ang suplay ng langis sa bansa sa kabila ng tensyon sa Middle East.

-- ADVERTISEMENT --