Nag-viral ang isang insidente kung saan nagkaroon ng mainitang pagtatalo ang isang motorista at traffic enforcer matapos sitahin ang driver sa paglipat ng linya sa EDSA flyover malapit sa Roxas Boulevard sa Pasay City.

Batay sa imbestigasyon, sinita ang motorista dahil umano sa paglabag sa solid yellow line.

Giit naman ng driver, halos hindi na nakikita ang linya dahil kupas na ito, lalo na sa madilim na bahagi ng kalsada.

Natapos ang argumento nang walang naisyung traffic ticket.

Kinilala naman ni Pasay Traffic and Parking Management Office (PTPMO) chief Ferdinand Lee na kupas na ang pintura ng yellow line at sinabi na aatasan muna ang mga enforcer na gabayan ang mga motorista habang inaayos ang road markings.

-- ADVERTISEMENT --

Dagdag ni Lee, patuloy ang imbestigasyon sa insidente at iginiit na mahalaga ang kaligtasan ng mga traffic enforcer.

Samantala, naghain na ng pormal na reklamo ang motorista laban sa traffic enforcer.