TUGUEGARAO CITY-Pumirma ng isang memorandum of understanding (MOU) ang Pasig City at Office of Civil Defense (OCD) Cagayan Valley para maging assisting region kung sakali na tatama ang 7.2 magnitude na lindol o ang tinatawag na “The Big one” sa nasabing lungsod.
Sa naging panayam kay Francis Joseph Reyes ng OCD-region 2, nakasaad sa pinirmahang MOU na kung tatama ang lindol sa Pasig City ay agad na reresponde ang rehiyon dos partikular ang probinsiya ng Isabela at Quirino.
Ayon kay Reyes, napili ang Isabela at Quirino dahil isa ito sa mga probinsiya na may pinakamalapit sa lungsod ng Pasig.
Aniya, hindi kakayanin ng LGU ng Pasig na respondehan ang mga maaring maapektuhan sakanilang nasasakupang lugar kapag tatama ang lindol kung kaya’t nabuo ang MOU.
Kaugnay nito, sinabi ni Reyes na dadaan sa pagsasanay ang mga itatalagang reresponde para maging handa sa pagtama ng lindol.
Sinaksihan ni Department of Science and Technology of the Philippines DOST usec. Renato Solidum J at Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) chairman Danilo Lim ang pagpirma sa naturang MOU.