Ibabalik ng Department of Agriculture o DA ang maximum suggested retail price o MSRP sa ilang imported agricultural commodities tulad ng baboy, sibuyas at carrots.

Target ng DA na mailabas ang bagong MSRP bago mag-December 1, 2025 at tatagal ito hanggang katapusan ng Enero.

Ayon kay Agriculture Secretary Francisco Tiu-Laurel Jr. ang muling pagtatakda ng MSRP ay dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng ilang bilihin sa mga pamilihan.

Sakaling ipatupad, itatakda ang MSRP sa ₱370 kada kilo para sa liempo, ₱340 para sa kasim at pigue para sa karneng baboy.

Habang ₱120 ang dapat na presyo sa kada kilo ng imported na puti at pulang sibuyas pati ang imported carrots.

-- ADVERTISEMENT --

Sa ngayon, naglalaro ang presyo ng carrots sa ₱170 hanggang ₱200 sa mga pamilihan.

Ang presyo ng sibuyas naman sa ilang pamilihan sa Metro Manila ay pumapalo sa ₱300.