
Ipinababatid ng Metro Tuguegarao Water District (MTWD) sa publiko ang inaasahang pagbaba ng pressure ng tubig sa ilang barangay sa lungsod mula ika-17 ng Pebrero, ganap na ika-8:00 ng gabi, hanggang 1:00 ng madaling araw ng ika-19 ng Pebrero, 2026.
Ang nasabing abiso ay bunsod ng isasagawang preventive maintenance pull-out sa Atulayan Production Well, bilang bahagi ng regular na pagpapanatili upang masiguro ang maayos at tuloy-tuloy na operasyon ng sistema ng suplay ng tubig sa lungsod.
Kabilang sa mga barangay na posibleng makaranas ng mababang presyon ng tubig o mahinang agos ay ang Atulayan Norte, Atulayan Sur, Bagay, Caritan Centro, Caritan Norte, Caritan Sur, Centro 4, Centro 8, at San Gabriel.
Kaugnay nito, pinapayuhan ang mga residente sa mga apektadong lugar na mag-imbak ng sapat na dami ng tubig bago ang itinakdang oras ng maintenance upang maiwasan ang anumang abala sa kanilang pang-araw-araw na gawain.
Para sa anumang paglilinaw, katanungan, o reklamo, maaaring makipag-ugnayan sa MTWD sa mga hotline na 0917-874-3635, 0917-620-0475, at (078) 844-7309, o sa kanilang opisyal na Facebook page.
Hinihingi ang MTWD ng pang-unawa sa publiko sa anumang abalang maaaring idulot ng pansamantalang pagkaantala sa serbisyo.
Tinitiyak ng ahensya na agad na isasaayos ang suplay ng tubig sa sandaling makumpleto ang preventive maintenance.




