Wala pang katiyakan kung kailan muling bubuksan ang Muan airport sa Jeju Island na isinara kasunod nang nangyaring pag-crash ng isang eroplano na ikinasawi ng 179 na mga pasahero at crew noong December 29.
Sinabi ni Edwin Bunagan, Bombo International News Correspondent sa South Korea na patuloy pa ang ginagawang karagdang imbestigasyon sa nasabing insidente na batay sa initial report na nangyari ang trahedya dahil sa bird strike.
Ayon kay Bunagan, sinusuri na ang dalawang black box ng eroplano upang malaman ang tunay na dahilan ng insidente.
Kasabay nito, sinabi ni Bunagan na wala namang Filipino na nadamay sa nasabing trahedya.
Idinagdag pa niya na ipinagpaliban din ang rally sana ng mga mamamayan ng South Korea na humihiling na masibak na sa puwesto ang na-impeach at suspendido na si President Yoon Suk Yeol.
Sa kabila ng mga kaganapang ito sa South Korea, sinabi ni Bunagan na maayos naman ang kanilang kalagayan mga migrante at tuloy pa rin ang kanilang trabaho.
Samantala, sinabi ni Bunagan matinding lamig ngayon ang nararanasan sa South Korea.