Plano ng Department of Health na ipagbawal ang “mukbang” vlogs matapos na mamatay dahil sa stroke ang isang food content creator na 37 years old.

Sinabi ni DOH Secretary Teodoro Herbosa na ang mukbang ay hindi magandang practice dahil gumagawa ng content ng pagkain ng marami at ito ay hindi malusog na hakbang.

Inilabas ni Herbosa ang babala matapos ang pagkamatay ni mukbang vlogger Dongz Apatan o ang tunay na pangalan ay Manoy Apatan noong June 14.

Isang araw bago siya namatay, nag-post ang vlogger ng video reels ng kanyang sarili na nagluluto at kumain ng maraming piraso ng karne ng manok at maraming kanin.

Si Apatan na mula sa Iligan City na may following na 460, 000 ay nakaranas ng atake sa puso, na-comatose bago siya namatay dahil sa hemorrhagic stroke.

-- ADVERTISEMENT --

Sinabi ni Herbosa na kung lalabas sa kanilang gagawing imbestigasyon na isa sa dahilan ng pagkamatay ng vlogger ay dahil sa mukbang, isusulong nila ang pagbabawal sa nasabing gawain sa local websites at social meadia platforms.

Binigyan diin ni Herbosa na puwede pa namang kumita ang content ng online influencers na hindi kailangan na gumawa ng mga video na mapanganib sa kalusugan.

Dahil dito, naglabas ang DOH ng public health warning at susunod ang administrative order para sa pagbabawal ng sobrang pagkain.