Dinagsa ang ibat-ibang sementeryo sa Tuguegarao City nitong All Saints Day at pagsalubong sa paggunita ng All Souls Day matapos gumanda ang panahaon.

Dahil sa pagdagsa ng mga tao na nagsimula nang alas 4:00 ng hapon pa lamang ay nagresulta ito ng pagsikip sa daloy ng trapiko sa bahagi ng Tuguegarao public cemetery at katabi nitong pribadong sementeryo sa bahagi ng Brgy Pengue.

Sa kabila nito ay nakahanda naman ang binuong Oplan Undas Team ng lokal na pamahalaan sa inaasahang pagdagsa pa ng mga tao sa mga puntod ng kanilang mga mahal sa buhay ngayong araw.

Kasabay nito ay inabisuhan ang publiko na huwag magdala ng prohibited items tulad ng alak, flammable materials, matutulis na bagay, at baraha.

Samantala, batay naman sa pamunuan ng ilang bus terminal sa Lungsod ay fully booked na rin ang mga biyahe patungong Maynila para sa pagbabalik ng mga biyahero sa NCR.

-- ADVERTISEMENT --