Isinusulong ng ilang mambabatas ang muling pagsapi ng Pilipinas sa International Criminal Court (ICC) kasabay ng pag-usad ng imbestigasyon ng laban kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa pamamagitan ng House Resolution 809 na inihain nina Rep. Antonio Tinio ng ACT Teachers, Rep. Sarah Elago ng Gabriela, at Rep. Renee Co ng Kabataan, binigyang-diin ang kahalagahan ng ICC bilang sandigan ng katarungan at pananagutan, lalo na sa mga pagkakataong hindi sapat ang lokal na sistema ng hukuman.

Naniniwala ang grupo na ang hakbang na ito ay hindi lamang magpapatatag sa proteksyon ng karapatang pantao, kundi muli ring magbabalik sa tiwala at magandang reputasyon ng Pilipinas sa mata ng internasyonal na komunidad.