Magkakaroon ang mundo ng temporary “second moon” sa loob ng dalawang buwan sa September 29, 2024 sa inaasahan na pagdaan ng asteroid na tinawag na 2024 PT5 na nadiskubre ng NASA noong August 7, 2024.
Ito ay itinuturing na tunay na out-of-this-world phenomenon.
Nagsimula ito mula sa Arjuna asteroid belt, at posibleng babalik sa sandaling lilisanin ang orbit ng planeta sa November 24, 2024.
Marami ang tumatawag dito na sa “second moon” dahil sa iikutan nito ang mundo.
Gayonman, ang asteroid ay may lapad na 33 feet o 10 meters, kaya magiging mahirap na makita ito ng ating mga mata lamang.
Batay sa pag-aaral ng American Astronomical Society sa nasabing phenomenon, ang mga objects sa Arjuna asteroid belt ay bahagi ng near-Earth object population ng asteroids at comets.
Sa ilalim ng ganitong kundisyon, lalaki ang geocentric energy ng object sa negative, at ito ay magiging temporary moon sa mundo.
Ang nasabing parikular na object ay sasailalim sa nasabing proseso simula sa susunod na linggo at magtatagal ito ng hanggang dalawang buwan.
Ayon naman sa ScienceAlert, muling babalik ang ganitong sitwasyon sa November 8, 2055.