Pansamantalang isinara ang town hall ng Gattaran, Cagayan nitong Huwebes, April 29 matapos magpositibo sa COVID-19 ang pitong empleyado ng naturang munisipyo.
Tatagal hanggang May 5 ang lockdown at tanging ang mga opisina na mayroong essential services ang bukas pero magpapatupad ng skeleton workforce sa Rural Health Unit, MSWDO at Municipal Agriculture office.
Inilunsad rin ang contact tracing sa mga nakasalamuha ng ilang empleyado ng LGU na nagpositibo habang nagsagawa na rin ng disinfection sa municipal building ng Gattaran ang Bureau of Fire Protection.
Sa huling tala ng Municipal Interagency Task Force (MIATF), may 34 active COVID-19 case ang Gattaran.
Sa panayam ng Bombo Radyo, sinabi ni Fire Senior Inspector Franklin Tabingo, fire marshal ng BFP Gattaran na binigyan ng otorisasyon ni Mayor Mathew Nolasco ang kaniyang liderato na mag-issue ng travel pass sa mga essential na lakad.
Paalala ni Tabingo sa mga maglalabas ng travel pass na kailangan na magsumite ng Brgy. certificate na hindi sila PUI or PUM maliban sa Health Declaration na inisyu ng MHO.