TUGUEGARAO CITY-Kapayapaan at pagmamahal ang layon ng Relihiyong Islam.

Ito ang paglilinaw ni Acmad Rachmadin Cosain, Vice President ng Tuguegarao City Muslim Association Incorporated kasabay ng isinagawang Islamic symposium, kahapon dito sa lungsod ng Tuguegarao.

Ayon kay Cosain, kadalasan ay inaakusahan ng ilan ang kanilang grupo na nasa likod ng mga nangyayaring karahasan sa bansa at inuugnay din sa terorista.

Dahil dito, nag-organisa ang kanilang grupo ng islamic symposium para ihayag sa publiko na biktima din ang mga muslim sa mga karahasang ginagawa ng mga terorismo.

Aniya, ang mga Muslim ay namumuhay ng tahimik at nagtatrabaho ng tama para sa kanilang pamilya kung kaya’t hindi dapat katakutan ang kanilang grupo.

-- ADVERTISEMENT --

Samantala, dinaluhan ng humigit kumulang na 700 na muslim at iba’t-ibang organisasyon ang kauna-unahang symposium na isa sa pinakamalaking pagpupulong na ginagawa sa lungsod.