Tuguegarao City- Mamamahagi ng tulong sa mga mahihirap na residente ang Tuguegarao Islamic Muslim Community Association ngayong araw kasabay ng pagdiriwang ng kanilang Eid’l Adha.

Sa panayam ng kay Bong Esmael, Vice President ng Muslim Association, bahagi nito ay nakatakda silang magkatay ng mga kambing, baka at kalabaw upang ipamigay sa 100 target beneficiaries.

Ang nasabing hakbang ay upang makatulong sa gitna pa rin ng epekto ng pandemya na dulot n COVID-19.

Paliwanag pa nito, ang Eid’l Adha bilang paggunita sa kapistahan ng ng sakripisyo at paghingi ng kapatawaran.

-- ADVERTISEMENT --

Kasabay din nito ay magsasagawa ang Tuguegarao Muslim Community ng pagsisimba sa kanilang Mosque at ipinasiguro niya ang pagtupad sa mahigpit na alituntunin laban sa COVID-19.