Niyanig ng isang magnitude 7.7 na lindol ang gitnang bahagi ng Myanmar ngayong araw ng Biyernes.

Ang epicenter ng lindol ay natukoy na labindalawang kilometro mula sa Sagaing, at naramdaman ito hindi lamang sa Myanmar kundi pati na rin sa mga kalapit na bansa tulad ng Bangladesh, India, Laos, Thailand, at China.

Ang lindol ay tumama bandang 12:50 p.m. local time malapit sa Mandalay, isang lungsod na may populasyong humigit-kumulang 1.5 milyon at tahanan ng mga makasaysayang templo.

Matapos ang pangunahing lindol, ilang aftershock ang tumama sa mga kalapit na lugar, kabilang na ang isang may 6.4 magnitude, ayon sa United States Geological Survey.

Samantala, sa kalapit-bansang Thailand, partikular sa Bangkok ay may mga naitalang gumuhong matataas na gusali at establishment kung saan isa sa mga matataas na gusaling ito ay mayroong hindi tiyak na bilang ng mga tao ang na-trap at isang tao ang nasawi.

-- ADVERTISEMENT --

Nagdeklara naman ang Myanmar’s junta ng “emergency situation” sa malaking bahagi ng bansa, kabilang ang second city Mandalay at ang isolated, military-built capital ng Naypyidaw.

Itinuturing ang Myanmar na kulang sa kapasidad upang harapin ang ganitong kalaking sakuna sapagkat isa ito sa mga pinakamahihirap na bansa sa Asya at kasalukuyang nahaharap sa isang brutal 4-year civil war mula nang agawin ng militar ang kapangyarihan