Bilang isang beteranong high school teacher, nasanay na si Sherri Moody ng Texas, USA na magkaroon ng sipon ng isang beses sa isang taon.

Kaya naman nang magkasakit siya sa isang field trip, binalewala lang niya ito.

Subalit, makalipas ang ilang araw, lumala ang simtomas ng kanyang trangkaso.

Nanghihina siya at mataas ang kanyang lagnat, nagsusuka at hirap siya sa paghinga.

Dahil dito, sa kalagitnaan ng gabi ay ginising niya ang kanyang asawa para dalhin na siya sa ospital.

-- ADVERTISEMENT --

Sinabi ng mga doktor na may double pnuemonia, isang impeksion na apektado ang mga baga dahil sa Streptococcus bacteria si Moody.

Ito ay humahantong sa sepsis, ang life-threatening response ng katawan sa impesksion, at septic shock, ang mabilis na pagbagsak ng blood pressure at ang pinakamalalang estado ng sepsis, ayon sa Sepsis Alliance.

Sinabi ng mga doktor na maaaring nakuha ni Moody ang strep sa kanyang field trip sa amusement park noong April 2023 o posibleng nagkataon lang ang pangyayari.

Dalawang araw matapos siyang pumunta sa ER, humina na rin ang kanyang kidneys at mga baga, isang komplikasyon ng septic shock.

Dahil dito, inilagay ng mga doktor sa coma si Moody at binigyan siya ng malalakas na gamot sa intensive care unit.

Dumaloy ang kanyang dugo sa kanyang organs, subalit ikinahina naman ng daloy ng dugo sa kanyang extremities.

Dahil dito, kinailangan ng mga doktor na putulin ang kanyang mga paa at kanyang mga kamay.