Pababalikin sa bansa si Shiela Guo, ang kapatid ni dismissed Bamban Mayor Alice Guo at ang kanyang kasama na idinitine sa Indonesia.

Inihayag ito ni Philippine National Police Spokesperson Col. Jean Fajardo.

Sinabi ni Fajardo na si Shiela Guo, maging ang kanyang business associate na si Cassandra Lee Ong ay ikinulong sa Indonesia kahapon ng umaga.

Ayon sa kanya, isasailalimsa repatriation ang dalawa sa bansa.

Gayonman, sinabi ni Fajardo na hindi niya maaaring ihayag ngayon kung kailan maibabaliksa bansa ang dalawa.

-- ADVERTISEMENT --

Sinabi ni Fajardo na posibleng ididitine ang dalawa sa Senado sa sandaling maibalik na sila sa bansa.

Kaugnay nito, sinabi naman ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na ang pagkakakulong nina Guo at Ong sa Indonesia ay nagpapatunay sa koneksion nila sa Philippine Offshore Gaming Operators (Pogo) sa Bamban, Tarlac.

May kaugnayan umano ni Ong sa Lucky South 99, isang illegal Pogo hub sa Porac, Pampanga na sinalakay ng mga otoridad noong Hunyo.

Habang si dating mayor Alice Guo ay nahaharap sa kasong qualified human trafficking compplaint sa kanyang pagkakasangkot umano sa Baofy Land Development Inc.na matatagpuan sa Bamban, Tarlac.