TUGUEGARAO CITY- Inihayag ni Bayan Muna Partylist Representative Ferdinand Gaite na dapat na imbestigahan din ng senado ang nabunyag na katiwalian sa PHILHEALTH nitong 2019 ukol sa false claims, overprices na Personal Protective Equipment, madical kits at iba pa.

Sinabi ni Gaite na hindi dapat na nakatutok sa ibinunyag ng nag-resign na si PHILHEALTH anti-fraud legal officer Thorrson Montes Keith na nagnakaw ng nasa P15 Billion ang ilang opisyal ng institusyon gamit ang iba’t ibang scheme ang imbestigasyon ng senado.

Naniniwala si Gaite na matagal nang may nangyayaring katiwalian sa PHILHEALTH.

ang tinig ni Gaite

Kaugnay nito, sinabi ni Gaite na hindi sila sang-ayon sa konsepto ng PHILHEALTH na limitadong pagbibigay ng serbisyong pangkalusugan taliwas sa nakasaad sa Bayanihan To Heal as One Act na dapat na 100 percent na sasagutin ng institusyon ang gastusin ng isang pasyente.

-- ADVERTISEMENT --

Inihalimbawa ni Gaite ang pagpapagamot ng may covid-19