Nagbitiw na si actress Nadia Montenegro sa kanyang posisyon bilang political affairs officer ni Senator Robin Padilla, kasunod ng mga ulat sa umano’y paggamit niya ng marijuana sa loob ng Senado.
Kinumpirma ni Atty. Rudolf Philip Jurado, ang chief of staff ni Padilla na tinanggap ang pagbibitiw ni Montenegro.
Matatandaan na iniutos ni Senate President Francis Escudero na imbestigahan ang paggamit ng marijuana ng isa umanong staff ni Padilla.
Nagsagawa rin ng sariling imbestigasyon ang tanggapan ni Padilla sa nasabing insidente.
Nagsumite ang Senate Office of the Sergeant-at-Arms (OSAA) nitong nakalipas na linggo ng report sa insidente at nagbigay ng kopya sa tanggapan ni Padilla.
Pinangangalan ng OSAA si Montenegro sa incident report, subalit itinanggi ng aktres na gumamit siya ng marijuana sa ladie’s room.
Bago ang kanyang resignation, inatasan si Montenegro na magbakasyon.