TUGUEGARAO CITY-Nagsasagawa ng imbetigasyon ang mga otoridad kaugnay sa nakuhang 24 na kahon na gawa sa kahoy na naglalaman ng mga nagamit ng warheads at lalagyan ng rockets na nakitang palutang-lutang sa dagat sa boundary ng Claveria at Fuga Island sa Aparri.

Sinabi ni SN1 Jeaben Domingo, nakatalaga sa Claveria Coastguard Substation na inaalam pa ng PNP Maritime Group kung saan galing ang mga nasabing kahon na nakita ng mga mangingisda.

Posible aniya na mula sa isinagawang Balikatan Exercises ang mga nasabing warheads at rockets.

Sinabi pa ni Domingo na may palatandaan na matagal nang nakalutang sa dagat ang mga nasabing bagay dahil sa may mga tumubo na mga lumot sa mga kahon.

Idinagdag pa niya na wala namang nakuha na mga explosives o chemical sa mga nasabing kahon.

-- ADVERTISEMENT --