TUGUEGARAO CITY-Ikinagalak ng City Environment and Natural Resources (CENRO)-Tuguegarao ang pagbaba ng bilang ng mga nagsusunog ng basura sa lungsod.

Ayon kay Atty. Noel Mora ng CENRO Tuguegarao, simula nang mahigpit na ipinatupad ng kanilang hanay ang ordinansang pagbabawal ng pagsusunog ay madami na ang tumalima dito.

Aniya,ang mga unang nahuli at napatawan ng multa ang nagbibigay din ng impormasyon sa mga lumalabag din sa naturang ordinansa.

Sa ngayon, sinabi ni Mora na karamihan sa mga isinusumbong sakanilang opisina na nagsusunog ay mga magsasaka kung saan kanilang sinusunog ang kanilang agricultural waste.

Dahil dito, kanilang pinulong ang mga magsasaka sa lungsod at ipinaliwanag ang nilalaman ng ordinansa.

-- ADVERTISEMENT --

Sakatunayan aniya, madami ng indibiwal ang pinatawan ng multa dahil sa paglabag sa nasabing ordinansa.