TUGUEGARAO CITY-Umaabot na sa 36,618 na family food packs na nagkakahalaga ng P17,224,880 ang naipamahagi na ng Department of Social Welfare and Development (DSWD)-Region 2 sa mga apektado ng malawakang pagbaha sa rehiyon.
Ayon kay Diana Vanessa Nolasco ng DSWD-RO2, habang patuloy ang pagbaba ng tubig baha sa mga iba’t-ibang lugar ay naging tuloy-tuloy na rin ang kanilang pamamahagi ng tulong sa mga residente na apektado.
Aniya, may mga augmentation din sila para tumulong sa pagre-repack at katuwang din ng kanilang ahensya ang mga miembro ng kapulisan at militar sa pagdi-distribute ng family food packs.
Bukod dito, sinabi ni Nolasco na nagbigay na rin sila ng burial assistance na tig-P10,000 sa mga pamilya ng mga nasawi sa kalamidad kung saan pito sa Alcala, dalawa sa Tuguegarao City , isa sa Gattaran dito sa Cagayan at tatlo sa Quirino
Namigay din ang ahensya ng mga non food items tulad ng kumut, family tent, mosquito net at hygiene kits.
Kasalukuyan na rin nilang pinag-uusapan kung magkano ang maaaring matanggap ng mga nasiraan ng bahay.
Sa Cagayan ,nakapagtala ng apat na totally damaged at tatlong partially, sa Nueva Vizcaya ay tatlo ang totally at 56 ang partially at Quirino na may tig-apat na partially at totally damaged na kabahayan.