Pumalo sa 887 ang naitalang Fire Works Related Injuries at Road Traffic Injuries sa pagdiriwang ng Pasko at pagsalubong ng Bagong Taon dito sa Lambak Cagayan.
Batay sa final tally ng Department of Health o DoH Region 2, naitala ang 125 na nasugatan dahil sa paputok habang 762 sa aksidente sa lansangan sa monitoring period simula December 21, 2024 hanggang January 06, 2025.
Ayon sa ahensiya tumaas ng 41 o 49 percent ang bilang ng mga naputukan ngayong taon kumpara sa selebrasyon ng Yuletide season nitong nakalipas na taon kung saan 101 mula sa 125 ay kalalakihan.
Sinabi ng DoH na 1 y/o hanggang 68 y/o ang edad ng mga fireworks related injuries victims kung saan 60 o 48 percent ay galing sa lalawigan ng Cagayan.
Dagdag pa ng ahensiya na 106 o 85 percent sa mga biktima ang nagtamo ng blast/burn injury without amputation, 24 o 19 percent ang nakaranas ng eye injury at dalawa o 2 percent ang nagkaroon ng blast/burn injury with amputation.
Nakalabas naman sa pagamutan ang mga biktima at nangunguna ang kwitis na sanhi ng injuries habang wala namang naitalang tinamaan ng stray bullet.
Samantala, 586 out of 762 road traffic injuries o 77 percent ay kalalakihan kung saan mula sa kabuuang bilang ay anim ang nananatili sa pagamutan.