Umabot na sa 60 ang naitalang firecracker related injuries sa lalawigan ng Cagayan mula December 21,2024 hanggang January 5, 2025.

Sinabi ni Nestor Santiago ng Provincial Health Office, ang pinakamaraming kaso ay sa lungsod ng Tuguegarao na may 16.

Ayon pa kay Santiago na karamihan din sa mga naputukan ay edad 11 hanggang 20 na may 20 cases.

Ang mga paputok na nakapinsala sa mga ito ay kwitis, boga, luces, five star, whistle bomb, at piccolo.

Samantala, sinabi ni Sanatiago na may naitala naman na 338 na vehicular accident mula December 21 hanggang January 5.

-- ADVERTISEMENT --

Sa nasabing bilang, tatlo ang namatay.

Pinakamarami naman kaso ay nangyari sa bayan ng Tuao na 40, sumunod ang Gonzaga na 37, at pangatlo ang Tuguegarao City NA 33.