Tinamaan ng African Swine Fever virus ang bayan ng Calanasan, na nakapagtala ng 122 na namatay mula Setyembre 1 hanggang Oktubre 8, 2024.
Ayon sa Office of Agricultural Services (OAS) sa Calanasan, mayroong 15 magsasaka mula sa iba’t ibang barangay ang apektado, kabilang ang Poblacion (12 magsasaka), Sabangan (2) at Eleazar (1).
Kaugnay nito, nilagdaan ni Mayor Shamir M. Bulut ang Executive Order No. 10, na pansamantalang nagbabawal sa paggalaw ng mga buhay na baboy at produktong baboy sa loob ng munisipalidad upang mabawasan ang mga kaso ng ASF.
Aktibong sinusubaybayan at nagsasagawa ng surveillance ang municipal government sa loob ng 500 metrong radius ng mga apektadong bukid. At ipinapatupad din ang information dissemination para sa mga lokal na swine raisers para sa pag-iwas sa ASF.
Noong 2021, nahaharap ang sa katulad na krisis ang nasabing lugar kung saan 135 apektadong magsasaka at 801 hogs ang nawala. Dagdag pa Sinusuri din ng lokal na pamahalaan ang mga pagkakataon sa pagpopondo para sa pagkakaroon ng bakuna sa hinaharap laban sa ASF.
Samantala, binigyang diin ni Dr. Reah Vivian M. Piagan, Veterinarian II and Municipal Livestock Focal Person, ang kahalagahan ng kooperasyon sa komunidad upang masugpo ito.
Ayon pa sakanya, umaasa silang makakakuha ng pondo para sa bakuna kontra ASF sa lalong madaling panahon.