TUGUEGARAO CITY- Patuloy ang paghahanda ng Cagayan Valley Medical Center para sa nakatakdang pagbubukas ng kauna-unahang COVID-19 testing Center sa lambak ng Cagayan.
Sa panayam kay Dr. Glenn Mathew Baggao, Medical Center Chief, target na matapos ang naturang tanggapan sa ika-29 ng Hulyo ngayong taon.
Aniya, nakatakda ring dumating ang kawani ng Department of Health (DOH)sa Hulyo 27 upang magsagawa ng final inspection sa nasabing pasilidad.
Ayon kay Dr. Baggao, patuloy din ang paghahanda ng mga itatalagang medical technologist at mga edical frontliners sa pamamagitan ng masusing orientations at pagsasanay.
Samantala, sa kasalukuyan ay nasa 21 COVID-19 patients naman ang nasa pangangalaga ng CVMC na kinabibilangan ng 9 na mula sa Cagayan at 12 sa lalawigan ng Isabela.
Dagdag pa rito ay mayroon ding 9 na suspek ang kasalukuyang minomonitor ng naturang pagamutan.
Muli ay tiniyak pa ni Dr. Baggao ang kahandaan ng kanilang tanggapan upang pangasiwaan ang kondisyon ng mga pasyente ng CVMC.