Aabot sa mahigit kumulang dalawang libong blood bags ang nakolekta mula sa hanay ng kasundaluhan sa isinagawang simultaneous blood letting activity ng 5th infantry division philippine army katuwang ang Isabela Provincial Hospital.
Ayon kay Capt.Ed Rarugal Hepe ng Division Public Affairs Office ng 5th ID Ph.Army na ang 1,280 blood bags ay galing sa 2nd Regional Community Defense Group (RCDG) habang ang 681 bags namn ay galing sa hanay ng kasundaluhan sa iba’t ibang unit ng 5th infantry division.
Sa loob aniya ng kanilang kampo ay mahigit kumulang 150 ang nagparehistro ngunit 76 lamang ang pinayagang mag donate ng dugo dahil na rin sa kanilang kalusugan.
Layunin ng nasabing aktibidad na matugunan ang kakulangan sa dugo at makatulong sa mga nangangailangan dito sa nasasakupan ng 5th Infantry Division, lalong na sa mga may sakit o tinamaan ng dengue.
Samantala patuloy rin ang ginagawang aktibidad ng 5th Infantry Division na tinawag na Partnership for Education, Advancement and Community Empowerment (PEACE) Program na layuning matulungan ang mga kababayan na nasa geographically isolated and disadvantage areas.
Sa ngayon ay mayroon ng 39 ang kalahok na kasalukuyang nagsasanay ng 15 araw at pagkatapos ay mabibigyan ng 3-6 na buwang trabaho hanggang sa makakuha sila ng NCII Certificate kung saan ang mga specialization na inooffer rito ay Missionary, Carpentry, Sewing at Scaffolding.