Lumalabas na dahil sa namagang isang paa ni Senator Ramon “Bong” Revilla ang nagbunsod sa pagtatalsik kay Senator Miguel Zubiri bilang Senate President.
Matatandaan na sa naging panayam kay Senator Ronald dela Rosa, sinabi niya na bago ang pagpapatalsik kay Zubiri, tinanggihan niya ang kahilingan ni Revilla na namaga ang isa niyang paa na payagan siya na dumalo sa nalalabing limang araw ng plenary session online o via video conference.
Subalit hindi kumbinsido si Senator Nancy Binay, malapit na kaalyado ni Zubiri sa bersiyon ni Dela Rosa sa nasabing pangyayari.
Sinabi niya na napaka-weird lang na isipin na sa lahat ng conspiracy theories na lumabas ukol sa coup sa Senado, ang dahilan ng pagkatanggal ni Zubiri ay dahil sa isang paa.
Mapanuya pa niyang sinabi na kung kaya ng isa paa na magpatalsik ng Senate President, mas lalo na kung dalawang paa na ang kumilos.
Sinabi ni Binay na ito ang kauna-unahan sa kasaysayan ng pulitika sa bansa na dahil sa isang paa na sugatan pa ay napaltasik ang Senate President.
Ayon pa kay Dela Rosa sa nasabing panayam na si Senator Jinggoy Estrada ang unang nagtangka na patalsikin si Zubiri, subalit nabigo siya na makakuha ng suporta 12 senador.
Sinabi niya na binago ang plano, matapos na nagkaroon ng pagtatalo si Zubiri kay Revilla at iba pang senador noong May 13 kaugnay sa kahilingan ni Revilla na payagan siya na sumali sa sesyon online.
Nagawa naman ni Revilla na pumasok sa nasabing araw, kung saan nakasuot siya ng walking boot o medical shoe, matapos na sumailalim siya sa surgery sa kanyang Achilles tendon injury.
Sinuportahan nina ngayon ay Senate President Francis Escudero, Francis Tolentino, Imee Marcos si Revilla sa kanyang kahilingan.
Subalit, ipinunto ni Zubiri na sa ilalim ng Senate rules, tanging mga miyembro na may COVID-19 at may highly communicable diseases ang pinayagan na hindi dumalo o papayagan na makisali sa sesyon online.
Sinabi ni Dela Rosa na hindi naging magandang pagtanggap dito ng tinawag niyang “Apat na Sikat” bloc ng mga artista na mga senador.
Bukod kay Revilla, kabilang sa informal grouping sina Estrada, Lito Lapid at Robindhood Padilla.