TUGUEGARAO CITY-Hinimok ng National Movement for Free Election o NAMFREL ang mga Non-government Organizations na magsagawa ng mga candidate forum tulad ng kanilang ginagawa sa iba’t ibang lugar sa bansa
Sinabi ni Eric Jude Avila,secretary general ng NAMFREL na layunin nito na mailatag ng mga botante o ng mga mamamayan ang kanilang mga hinaing na dapat na bigyang pansin o mailagay sa plata porma ng mga kandidato
Ayon kay Avila, bago pa man isagawa ang candidate forum ay nagkakaroon ng mga pag-uusap ang isang komunidad ukol sa kanilang mga problema at mga issues na nais nilang matugunan ng mga kandidato sakaling sila ay palarin sa eleksion
vc avila april 5
Sinabi pa ni Avila na kasabay din ng candidate forum ang pagbibigay nila ng voter education o ang tamang pagboto sa mga nararapat na mga kandidato
Ayon sa kanya, ito ay upang mapataan ang antas ng pangangampanya sa bansa na nababahiran na ng mga personalan o siraan sa pagitan ng mga kandidato sa halip na ilatag ang kanilang mga plata porma at kanilang kualipikasyon
Kaugnay nito, sinabi ni Avila na nakatakda rin silang magsagawa ng candidate forum sa Tuguegarao City